Isang malaking tagumpay para sa ating paaralan ang matagumpay na pagkumpleto ng proyektong tangke ng tubig na pinangunahan ng ating SPTA. Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng sapat na suplay ng malinis na tubig para sa ating paaralan, lalo na para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Lubos ang ating pasasalamat sa lahat ng mga magulang na walang sawang sumuporta sa proyekto. Salamat din sa mga opisyal ng SPTA, sa pamumuno ni President Fernando Saquiton, na nagsumikap bumili ng tangke ng tubig at naglaan ng kanilang panahon at lakas upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Hindi rin magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang tulong ng ating Sangguniang Barangay ng Pasong Camachile II, sa pamumuno ni Kapitan Jowie S. Carampot, na nagbigay ng kanilang buong suporta sa pamamagitan ng paglalaan ng water pump at pag-alalay sa pagsasaayos ng proyektong ito.

Muli, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Nawaโ€™y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating paaralan at komunidad. 

Loading