๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
Ngayong ika-21 ng Agosto 2024, isinagawa sa North High ang ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง para sa ๐๐๐ฐ๐๐ ๐๐๐ญ๐ง๐ฎ๐ ๐จ๐ญ “๐ฉ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐”. Ang mga validators na dumalo ay sina Dr. Eduarda Zapanta, Chief Education Program Supervisor ng Education Support Services Division, Bb. Laarni A. Evaristo, Administrative Officer V at Budget Section Head, Atty. Marianne Dilag, Attorney III, G. Wilbert C. Ulpindo, PDO II, at G. Rey Valenzuela, ITO I at ICT Unit Head.
Mainit silang tinanggap at inasikaso ng ating mahal na punong-guro, si Dr. Naneth P. Salvador, kasama sina Dr. Glenda A. Recto, PSDS-Cluster 6, G. Cipriano A. Dinglasan Jr., SPES-Human Resource Management, mga guro, mga opisyal ng SPTA, at mga estudyante ng North High. Sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagsisikap at suporta, naging matagumpay at makabuluhan ang naturang validation.
Ang kaganapang ito ay nagsilbing patunay sa dedikasyon ng buong pamayanan ng North High sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng edukasyon. Ito rin ay isang inspirasyon upang patuloy na magpunyagi para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataan.