Lubos na nakakalambot ng puso ang isinagawang Outreach Program ng E.S.P. Club sa Mama’s Hope, isang tahanang nagbibigay ng pagmamahal at kalinga sa mga nangangailangan. 🎊

Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at bukas-palad na pagtulong, naipadama natin na ang malasakit ay hindi lang ipinapakita sa salita kundi sa gawa. ✨

Lubos ang aming pasasalamat sa ating butihing Punongguro, Dr. Naneth P. Salvador, na walang sawang sumusuporta sa ganitong mga makabuluhang gawain. Gayundin, taos-puso ang ating pasasalamat sa ating mga guro at kapwa mag-aaral, na buong puso ring nag-ambag upang maisakatuparan ang adhikaing ito. 💕

Dahil sa inyong mga donasyon at kabutihang-loob, nakapaghatid tayo ng ligaya at pag-asa sa mga benepisyaryo ng Mama’s Hope. Nawa’y patuloy tayong maging instrumento ng pagbabago at inspirasyon para sa iba. 💗

Loading