Upang patuloy na mapahalagahan ang kasaysayan, sining at panitikang Pilipino, muling sinaksihan ng mga mag-aaral ng Norte ang apat na dulang pantanghalan mula sa akda ng ating mahuhusay na manunulat. Ang nasabing dula ay ang Ibong Adarna para sa ikapitong baitang, El Filibusterismo para sa ika-10 baitang, na itinanghal kahapon. Florante at Laura naman para sa ikawalong baitang, samantalang Noli Me Tangere naman para sa ikasiyam na baitang, na parehong nasaksihan ngayong araw ng Linggo. Ang mga nasabing dula ay ginanap sa Dasmariñas Arena sa Lungsod ng Dasmariñas, Cavite.
