Ngayong araw, Abril 15, 2025, matagumpay na isinagawa ang Ika-9 na Taon ng Pag-Angat ng Mataas na Paaralang Nasyunal ng Luis Y. Ferrer Jr. North, na may temang โHenerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas.โ Dinaluhan ito ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang at kanilang mga magulang, bilang pagpupugay sa kanilang tagumpay at pag-angat.
Bilang kinatawan ni Kgg. Luis โJon Jonโ Ferrer IV, Punong Lungsod ng General Trias, dumalo si Kgg. Vivencio โPafooโ Lozares upang iparating ang suporta ng pamahalaang lungsod. Kasama rin si Dr. Jose P. Lisana, Educational Consultant on Academic Affairs, bilang kinatawan ni Kgg. Jonas Glyn P. Labuguen, Pangalawang Punong Lungsod at Gng. Elsa Fauni, SGC President. Dumalo rin sa pagdiriwang si Ma’am Noimee V. Varias, Planning Officer III.
Ipinakilala ni Dr. Naneth P. Salvador, Punongguro, ang mga batang nagsipag-angat. Pinatunayan ito ni Ma’am Arlene M. Hernandez, PSDS ng Cluster 9 at pinagtibay ang kanilang tagumpay ni Dr. Ivan Brian L. Inductivo, CESO VI, OIC-SDS.
Bilang panauhing pandangal, si Kgg. Jowie S. Carampot, Punong Barangay ng Pasong Camachile II, ay nagbigay ng makabuluhang mensahe ng pagbati at inspirasyon sa lahat ng dumalo.
Isang makabagbag-damdaming talumpati ng pasasalamat naman ang ibinahagi ni Darius Charles B. Fajardo, mag-aaral na may Pinakamataas na Karangalan, bilang pagbubunyi sa sakripisyo at tagumpay ng bawat isa.
Isang masigla at makabuluhang selebrasyon ng pagkakaisa, inspirasyon, at tagumpay!




