๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Sa pamumuno ng mga guro sa Departmento ng Technology and Livelihood Education (TLE), kahalili ang TLE at ICT Club, matagumpay na naisagawa ang Nutri-booth, kahapon, Hulyo 11, sa covered court ng paaralan. Ito ay kaugnay parin ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

Sa naturang aktibidad, ang mga mag-aaral ay magpapaligsahan sa pagluluto ng masustansiya at katakam-takam na mga pagkain. Malikhain din itong inihatag para sa mga nais tumikim.

Samantala, tila โ€œgame na gameโ€ ang mga gurong nagsilbing tagahatol sina Bb. Chinkee Mae Dechavez (MAPEH Department), Gng. Janet G. Asis (TLE Department), at G. Edwin Santos (MAPEH Department) na nakitikim din sa mga lutuin ng mga batang Norte.

Narito ang mga nagwaging pangkat sa bawat baitang:

Baitang 7

๐Ÿ† – Aguirre at Benediction

Baitang 8

๐Ÿ† – Aguas at Compassion

Baitang 9

๐Ÿ† – Alvarez at Balance

Baitang 10

๐Ÿ† – Bravery at Duty

KAMPYON:

9-Alvarez at 9-Balance

Isinulat ni: Breanna Mikyla T. Pacis

Kuhang-larawan ni: Miko Christian P. Sinnung

Loading