TINGNAN:
Patuloy ang pag-unlad ng proyektong fire exit stairs sa Amaya Building ng North High na ngayon ay malapit nang matapos. Ang naturang hagdanan, na magdudugtong sa unang palapag at ikalawang palapag ng gusali, ay inaasahang magbibigay ng dagdag na kaligtasan at mas maayos na daanan para sa buong komunidad ng paaralan.
Ang proyekto ay inisyatibo ni G. Bobot Ortega, dating pangulo ng SPTA, katuwang ang mga opisyal ng Barangay Pasong Camachile II na pinangungunahan ni KonsiKap Jowie S. Carampot.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan, guro, at mag-aaral ng North High sa walang sawang suporta at malasakit na ipinakita ng komunidad para sa kaligtasan ng kabataan. Inaasahang ganap na matatapos at magagamit ang fire exit sa mga darating na buwan, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng paaralan na mapalakas ang kahandaan at seguridad para sa lahat.

