Agosto 8,2025

“Inclusivity and Sustainability” ang tema ng selebrasyon ngayong taon—isang paalala na ang tunay na kaunlaran ay nagsisimula sa pagkakapantay-pantay at malasakit sa kalikasan. 🌱🤝

Pinangunahan ng Departmento ng Araling Panlipunan sa gabay nina Ginoong. Erwin A. Asugui, AP Koordineytor at Dr. Naneth P. Salvador, Punungguro II, naging makulay ang linggo ng pagkakaisa, kultura, at talino sa mga aktibidad tulad ng:

✨ KwizSEAN – tagisan ng talino tungkol sa ASEAN

🎨 PintASEAN – sining na nagpapakita ng kalagayan ng mga bansa sa rehiyon

🎤 VerSEAN – malikhaing pagbigkas ng mga tula at salitang may saysay

👑 Ginoo at Binibining ASEAN – pagpapamalas ng galing, talino, at personalidad

Sa bawat hakbang ng selebrasyon, naipakita ang diwa ng isang ASEAN na bukas para sa lahat at handang pangalagaan ang kinabukasan. 💛

#ASEAN2025

#InclusivityandSustainability

#AP

Loading