Agosto 13, 2025 |

Isang makabuluhang pagbisita ang isinagawa ng mga opisyal mula sa SDO General Trias City upang magbigay ng technical assistance sa paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na regional validation para sa Gawad Patnugot. Kabilang sa mga bumisita sina Ma’am Laura O. Garcia, Chief ng CID, Ma’am Arlene M. Hernandez, PSDS ng Cluster 9, Ma’am Josenia S. Hernando, PSDS ng Cluster 7, Ma’am Jocelyn L. Fortuno, PSDS ng Cluster 4, at Ma’am Yolanda DC. Lumanog, EPS sa Araling Panlipunan.

Mainit silang sinalubong ng punong-guro ng paaralan, Dr. Naneth P. Salvador, kasama ng mga Master Teacher I na sina Ma’am Gigi Lyn V. Aticaldo, Ma’am Elena S. Rosales, at Sir Erwin A. Asugui. Sa kanilang pagbisita, tinalakay ang mahahalagang detalye at pamantayan na kinakailangang matugunan upang maging handa ang paaralan para sa pagsusuri at pagbibigay-parangal.

Layunin ng technical assistance na ito na magbigay ng gabay, suporta, at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang dokumentasyon, implementasyon ng mga programa, at kabuuang presentasyon ng paaralan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng SDO General Trias City para sa kahusayan at pagkilala sa larangan ng edukasyon.

#TechnicalAssistance

#uNORTHodox

Loading