TINGNAN:
Masayang pinag-isa ng sayaw at tawa ang mga guro ng North High sa isinagawang Zumba activity ngayong Agosto 14, 2025. Suot ang komportableng pang-ehersisyo, sabay-sabay nilang sinabayan ang masiglang tugtugin bilang paraan upang makapagpahinga at mag-recharge matapos ang sunod-sunod na gawain sa eskwela.
Binigyang-diin ni Dr. Naneth P. Salvador, punongguro ng paaralan, na mahalaga ang paglalaan ng oras para sa sariling kalusugan. Aniya, “Alam nating hindi biro ang maging titser, kailangan nating maging malakas. Mag-Zumba tayo para makapag-stretch, makapag-relax, at makapag-RECHARGE.”
Ang programa ay sumasalamin sa layunin ng Project RECHARGE (Rest, Exercise, Community, Holistic Health, Awareness, Renewal, Growth, Empowerment). Layunin ng proyektong ito na palakasin ang pisikal, mental, emosyonal, at sosyal na kalusugan ng mga guro. Sa pamamagitan nito, nabibigyan sila ng sigla, suporta, at kapangyarihang pangalagaan ang kanilang sarili para sa mas balanse at masayang pagtuturo.
Bukod sa pagpapalakas ng katawan, nagsilbing pagkakataon din ang Zumba para magkaisa at magpalapit ang samahan ng mga guro. Sa ganitong hakbang, ipinapakita ng North High na ang pangangalaga sa mga guro ay hindi lang para sa kanilang propesyonal na kaunlaran, kundi para rin sa kanilang kabuuang kalusugan at kapakanan









