GENERAL TRIAS CITY, Cavite — Muling pinatunayan ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School (North High) ang kanilang galing sa larangan ng campus journalism matapos mag-uwi ng mga karangalan sa Cluster Schools Press Conference (CSPC) na ginanap noong Oktubre 10–11, 2025 sa GLAFJENHS at Governor Ferrer Memorial Integrated National High School-Main. Pitong paaralan mula sa Cluster 9 ng Schools Division of General Trias City ang nagtagisan ng husay sa pagsulat, layout, at broadcasting.

Sa pangunguna ng mga School Paper Advisers (SPAs) na sina Ms. Liezel D. Globio, Mr. Romeo J. Dolor Jr., at Ms. Margie L. Rodriguez, matagumpay na naipamalas ng mga mamamahayag ng The North Tribune (English medium) at Tanglaw Hilaga (Filipino medium) ang kanilang talento sa iba’t ibang kategorya. Ang The North Tribune ay kinilala bilang 1st Place Overall sa Collaborative Desktop Publishing (CDP) at 2nd Place Overall sa Online Publishing, habang ang Tanglaw Hilaga ay pumwesto sa 5th Place Overall sa CDP at 3rd Place Overall sa Online Publishing.

Bukod sa mga group awards, maraming indibidwal na manunulat mula sa North High ang nagwagi sa kani-kanilang larangan. Kabilang dito ang mga kategoryang News Writing, Sci-Tech Writing, Editorial Cartooning, Sports Writing, Column Writing, Editorial Writing, Copyreading, Photojournalism, at Broadcasting. Ang mga parangal ay patunay ng masigasig na paghahanda ng mga mag-aaral at gabay ng kanilang mga SPAs.

“Lubos ang aking pasasalamat at pagmamalaki sa ating mga campus journalists at SPAs. Ang kanilang tagumpay ay patunay ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Mabuhay kayo, mga batang mamamahayag ng North High!” pahayag ni Dr. Naneth P. Salvador, punong-guro ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School.

Samantala, binigyang-diin ni Ms. Arlene M. Hernandez, Public Schools District Supervisor ng Cluster 9, ang kahalagahan ng CSPC bilang paghahanda sa mas malaking kompetisyon. “Ang totoong laban ay sa Division Schools Press Conference, pero ang CSPC ay nagsisilbing matibay na pagsasanay para sa mga campus journalists ng Cluster 9 sa nalalapit na DSPC sa Oktubre 17–18,” aniya.

Narito ang kumpletong listahan ng mga awardees mula sa North High:

Tanglaw Hilaga (Filipino Medium)

Individual Categories:

• 2nd Place – Sports Writing – Miko Christian P. Sinnung

• 4th Place – Editorial Cartooning – Marqui A. Miranda

• 7th Place – Editorial Writing – Nicos Caldina

Group Categories:

• Online Publishing – 3rd Place Overall

o 3rd Place – Best Photo

o 3rd Place – Best Sports Page

o 3rd Place – Best Graphics

o 3rd Place – Best News Page

o 3rd Place – Best Feature Page

o 3rd Place – Best Editorial Page

• Collaborative Desktop Publishing – 5th Place Overall

o 5th Place – Best Cartoon

o 5th Place – Best Layout

o 4th Place – Best Feature Page

o 5th Place – Best Photo

o 4th Place – Best Sports Page

o 5th Place – Best News Page

The North Tribune (English Medium)

Individual Categories:

• 1st Place – News Writing – Beyonce E. Delos Santos

• 1st Place – Sci-Tech Writing – Jessica Nicole C. Bercasio

• 2nd Place – Editorial Cartooning – Liliana T. Sequitin

• 3rd Place – Sports Writing – Aaron Jasper O. Frias

• 3rd Place – Column Writing – Ethan Drawde V. Arriola

• 4th Place – Column Writing – Abigail C. Celestial

• 5th Place – Editorial Writing – Brent Andrian M. Dela Cruz

• 6th Place – Editorial Writing – Althea Faye L. Diaz

• 6th Place – Copyreading & Headline Writing – Liezel P. Trangia

• 6th Place – Sports Writing – Mark Ezekiel Y. Agang

• 7th Place – Photojournalism – Briallen D. Navarro

Group Categories:

• Online Publishing – 2nd Place Overall

o 2nd Place – Best in Sports Page

o 2nd Place – Best in Layout

o 2nd Place – Best in Graphics

o 3rd Place – Best in Opinion Page

o 3rd Place – Best in Feature Page

o 3rd Place – Best in News Page

o 3rd Place – Best in Photo

• Collaborative Desktop Publishing – 1st Place Overall

o 1st Place – Best in News Page

o 1st Place – Best in Feature Page

o 1st Place – Best in Opinion Page

o 1st Place – Best in Sports Page

o 1st Place – Best in Layout

o 1st Place – Best in Cartoon

Radio/TV Broadcasting:

• 3rd Best Anchor – Radio Scriptwriting & Broadcasting – Raven Carl F. Estacio

• 2nd Best Script – Radio Broadcasting – Luis Y. Ferrer Jr. North National High School

• 5th Best Anchor – TV Broadcasting (Filipino) – Christine Noelle E. Sugapong

Ang tagumpay ng North High sa CSPC ay hindi lamang tagumpay ng mga mag-aaral kundi tagumpay ng buong pamayanan ng paaralan. Patuloy ang kanilang paghahanda para sa Division Schools Press Conference (DSPC) sa darating na Oktubre 17–18, kung saan muling ipapamalas ang husay ng mga batang mamamahayag ng Lungsod ng General Trias.

#TanglawHilaga

Loading