Isa sa pinaka-inaabangang araw ng mga mag-aaral ay ang Intramurals, kung saan naglalaban-laban ang ibaโt ibang koponan gamit ang maliliksing pangangatawan at mabibilis na kaisipan. Ang mga masisiglang aktibidad ay hindi lamang naghahatid ng labis na kasiyahan bagkus nagiging daan upang ilabas ang husay at diskarte sa larong pampalakasan. Nililinang din nito ang pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat manlalarong mag-aaral.
Napatunayan ito matapos idaos ang unang araw ng Intrams sa Luis Y. Ferrer Jr North National High School, kanina, Disyembre 15 2025.
Hindi pa pumuputok ang liwanag ay nakapila na at nakaantabay ang bawat koponan sa pagsisimula ng parada. Suot ang kani-kanilang kulay, masiglang naglakad ang mga batang Norte upang ibinandera ang kanilang kahandaan at galing.
Kasundo naman nito ang nakabibinging palahaw ng lahat sa pagsisimula ng paligsahan sa yell at cheerdance, na tila naging pinakapaborito ng madla.
Hindi rin nagpahuli ang Coro Del Norte na nagpakita ng kanilang husay sa pag awit isang madamdaming awitin.
Matapos nito, muling niyanig ng hiyawan ang paaralan nang ibida na bawat koponan ang kani-kanilang mga muse, taglay ang kanilang karisma at halina sa madla. Mababakas ito sa kanilang bawat rampa suot ang magagarbong kasuotan.
Tunay na ang lahat ng koponan ay naghanda at determinado manalo sa unang araw pa lamang.
Sa susunod na araw, iginanap naman ang game proper kung saan bumida ang larong Basketball at Volleyball na dinagsa ng maraming mag-aaral upang suportahan ang kanilang koponan.
Sa huli, hinirang na panalo ang sumusunod na koponan sa dalawang araw ng Intramural.
Overall
Champion – Blue
1st – Red
2nd – Yellow
3rd – Green
Best in Parade – Red, Blue, Yellow, Green
Most Discipline – Green
Isinulat ni:Miko Christian Sinnung
Kuhang larawan ni: Lukas Mateo Aviles
























![]()
