Ngayong ika-31 ng Mayo, 2024, ginanap ang makulay at makabuluhang selebrasyon ng Araw ng Pag-angat na may temang “Kabataang Pilipino Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas”. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga mag-aaral ng ika-10 baitang, pati na rin ng kanilang mga magulang.

Dumalo sa pagdiriwang sina Dr. Rizal Vidallo, EPS-ESP, Kgg. Jowie S. Carampot, Brgy. Captain ng Pasong Camachile II, at Dr. Jose P. Lisana, Educational Consultant on Academic Affairs, na kumatawan kay Kgg. Jonas Glyn P. Labuguen, Pangalawang Punong Lungsod ng Heneral Trias, upang magpakita at magpahayag ng kanilang suporta sa ating mga mag-aaral.

Ang ating punongguro, Dr. Naneth P. Salvador, ang nagpakilala sa mga batang nagsipag-angat. Si Dr. Glenda A. Recto, PSDS-Cluster 6, ay nagpatunay ng pag-angat ng ating mga mag-aaral, samantalang si Dr. Ivan Brian L. Inductivo, CESO VI, ASDS, na kumatawan kay Dr. Daisy Z. Miranda, CESO V, SDS, ay nagpatibay nito.

Ang panauhing pandangal na si Kgg. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Punong Lungsod ng Heral Trias, na kinatawan ni Kgg. Kristine Jane P. Barison, miyembro ng Sanggunang Panlungsod, ay nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati at inspirasyon sa mga mag-aaral, kanilang mga magulang, mga guro, at lahat ng kawani ng paaralan.

Isang espesyal na bahagi ng pagdiriwang ay ang Mensahe ng Pasasalamat mula kay Adrian Simon T. Jalimao, mag-aaral na may Mataas na Karangalan. Sa kanyang makabagbag-damdaming talumpati, pinasalamatan niya ang mga magulang, guro, at lahat ng sumuporta sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.

Muli, binabati namin ang lahat ng nagsipag-angat at nawa’y magpatuloy ang inyong dedikasyon at pagsusumikap sa inyong mga darating na hakbang sa buhay. Mabuhay ang Kabataang GentriseΓ±o! Mabuhay ang Kabataang Pilipino!

Loading