Isang malaking tagumpay ang SPTA General Assembly at Orientation na ginanap ngayong Sabado, Agosto 10, 2024. Sa naturang pagpupulong, nailahad ang mga mahahalagang ulat para sa S.Y. 2023-2024, napag-usapan ang mga alituntunin ng DepEd Order No. 013 s. 2022, at matagumpay na nahalal ang mga bagong opisyal ng Homeroom PTA.

Pagkatapos ng halalan, lahat ng nahalal na presidente ng Homeroom PTA ay nagtipon-tipon sa Junction Hall upang magkakilanlan at magbahaginan ng kanilang mga layunin at plano para sa ikauunlad ng ating paaralan.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang, guro, at kawani na aktibong nakiisa at naglaan ng kanilang oras para sa ikauunlad ng ating paaralan. Patuloy tayong magtulungan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral!

Loading