KAGANAPAN:

Hindi bababa sa 50 guro at mga estudyante mula sa iba’t- ibang paaralan ng Sangay ng Lungsod ng General Trias ang lumahok sa isang writeshop ng malikhaing pagsulat na sinimulan ngayon, Agosto 17, sa Junction Hall ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Luis Y. Ferrer Jr. Norte, na inaasahang magkakaroon ng karugtong na mga gawain sa susunod na dalawang Sabado, Agosto 24 at 31.

Punong-abala sa aktibidad na ito ang departamento ng Filipino ng nasabing paaralan, na pinangasiwaan ni Bb. Irine D. Macalindong, Focal Person ng nasabing kawani, G. Erwin A. Asugui, Dalubguro I, at Dr. Naneth P. Salvador, Punungguro ng Norte.

Binigyang diin ni G. Sherald C. Salamat, tagapagsalita sa writeshop, ang mga mahahalagang tips sa paggawa ng mga kuwentong pambata at mga maiinam na suhestyon upang mapagyaman ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa pagsulat ng mga piyesang pampanitikan na gamit ang wikang Filipino.

Samantala, dumalo at nagbahagi ng mensahe kaugnay sa palihan sina G. Arnaldo O. Estareja, Tagapangasiwa ng Programa sa Edukasyon sa Filipino, Dr. Glenda A. Recto, Tagapamasid Pampurok ng Klaster 6, at Dr. Rizal M. Vidallo, Tagapangasiwa ng Programa sa Edukasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

Loading