Lubos na nakakalambot ng puso ang isinagawang Outreach Program ng E.S.P. Club sa Mama’s Hope, isang tahanang nagbibigay ng pagmamahal at kalinga sa mga nangangailangan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at bukas-palad na pagtulong, naipadama natin na ang malasakit ay hindi lang ipinapakita sa salita kundi sa gawa.
Lubos ang aming pasasalamat sa ating butihing Punongguro, Dr. Naneth P. Salvador, na walang sawang sumusuporta sa ganitong mga makabuluhang gawain. Gayundin, taos-puso ang ating pasasalamat sa ating mga guro at kapwa mag-aaral, na buong puso ring nag-ambag upang maisakatuparan ang adhikaing ito.
Dahil sa inyong mga donasyon at kabutihang-loob, nakapaghatid tayo ng ligaya at pag-asa sa mga benepisyaryo ng Mama’s Hope. Nawa’y patuloy tayong maging instrumento ng pagbabago at inspirasyon para sa iba.

