Bilang bahagi ng huling araw ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2025, isinagawa ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School ang isang makabuluhang Community-Based Outreach Program sa KPNP, Sitio Sampalucan, Gen. Trias City, na pinangunahan ng TLE Department katuwang ang TEO, SPTA, at SGC.
Ang programang ito ay inialay para sa mga underserved out-of-school children na kapatid ng ating mga mag-aaralโisang patunay na ang malasakit ng North High ay umaabot hanggang sa mga nasa laylayan ng edukasyon.
Namahagi ang paaralan ng libreng pagkain, school supplies, tokens at regalo, at reading at writing materials para sa mga bata.
Bukod sa feeding program na bahagi ng proyektong SUPPORT KAIN (KAlinga at INspirasyon), isinagawa rin ang mga literacy (storytelling) at numeracy (game-based math) activities bilang suporta sa Numeracy and Literacy Program ng paaralan.
Ipinakilala rin sa komunidad ang bagong programa ng DepEd na ARAL, na may layuning tugunan ang learning gaps sa pagbabasa at pagbilang. Sa okasyong ito, isinulong ng pamunuan ng North High ang pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder upang mas mapalawak ang saklaw ng programa.
Ayon kay Dr. Naneth P. Salvador, Principal II:
“”๐๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐ช๐ก๐ช๐ฃ๐จ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ค๐ช๐ฉ๐ง๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐-๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข๐ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฅ๐๐ โ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ผ๐ (๐ผ๐๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐๐๐๐จ๐จ๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฃ๐) ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข, ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฉ๐ช๐ก๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐๐ค๐ก ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ค, ๐ก๐๐ก๐ค ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐จ๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฉ๐๐ข๐๐ฉ๐๐ ๐. ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐ ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐ช๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ช๐ก๐ช๐๐๐ฃ๐ ๐ช๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ง๐๐ก๐๐ฃโ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ก๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฅ๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐พ ๐๐ง๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ฉ, ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฉ๐ช๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ. ๐ฝ๐ช๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ช๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐ค๐ข๐ช๐ฃ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ฉ ๐ฅ๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข๐ ๐จ๐ ๐ฃ๐ช๐ข๐๐ง๐๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐ก๐๐ฉ๐๐ง๐๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐๐ฉ๐ค ๐จ๐ ๐ฝ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ฎ ๐๐๐จ๐พ๐๐ข ๐๐.”
Bukas at positibo namang tinanggap ng SPTA, SGC, at TEO ang panukala, at nagpahayag ng kahandaang magpatuloy sa programang ito. Plano rin nilang ipagpatuloy ang supplementary feeding sa mga batang hindi pa nag-aaral habang patuloy ang feeding program sa mga kasalukuyang mag-aaral ng paaralan.
Kasama sa mga tumulong at nakiisa sa aktibidad ang:
Mga guro at Punongguro ng North High
TEO sa pangunguna ni Sir Erwin A. Asugui
SPTA sa pangunguna ni Gng Danielle A. Casuyon
SGC sa pamumuno ni Gng. Mildred S. Carampot
Barangay PasCam II sa pangunguna ni Kap. Jowie S. Carampot
Barangay Nutrition Scholar
Gen. Trias City Police
Tunay ngang kapag nagbuklod ang paaralan, mga magulang, pamayanan at lokal na pamahalaanโwalang batang maiiwan.

