TINGNAN:
Malugod na tinanggap ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School ang pagbisita ng mga opisyal mula sa Schools Division Office – General Trias City upang magbigay ng suporta at technical assistance para sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan.
Naroon sina Ma’am Laura O. Garcia, Chief-CID, Sir Arnaldo Estareja, EPS-Filipino, at Ma’am Arlene M. Hernandez, PSDS-Cluster 9, na mainit na sinalubong ni Dr. Naneth P. Salvador, Principal II, kasama ang ating mga Master Teacher I na sina Ma’am Gigi Lyn V. Aticaldo, Ma’am Elena S. Rosales, at Sir Erwin A. Asugui.
Sa kanilang pagbisita, nagbigay sila ng technical assistance na makatutulong sa pagpapatibay ng mga programa at inisyatibo ng North High para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon.

