Agosto 5, 2025 |

Isinagawa ngayong araw sa ang isang Focus Group Discussion upang talakayin ang pagpapatupad ng patakaran sa teacher workload batay sa DepEd Orders No. 002 at 005, s. 2024.

Pinangunahan ni Punong-Guro Dr. Naneth P. Salvador ang nasabing talakayan na dinaluhan ng mga guro mula sa ibaโ€™t ibang departamento. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Dr. Salvador na dapat sumunod ang mga guro sa itinakdang anim (6) na oras na aktuwal na pagtuturo sa loob ng isang araw, at kumpletuhin ang kabuuang walong (๐Ÿ˜Ž oras na oras-trabaho, ngunit hindi lalampas sa limitasyong itinakda ng kagawaran.

Ang patakaran ay sumasaklaw sa mga usapin gaya ng teaching load, overload, ancillary tasks, teaching-related assignments, at administrative duties. Ayon kay Dr. Salvador, kinikilala ng Department of Education ang bigat ng pasanin sa mga guro kapag sila ay binibigyan ng mga gawaing lampas sa kanilang pangunahing tungkulin na nagtuturo, na nagiging hadlang sa kanilang oras sa silid-aralan.

Ipinapakita ng FGD na ito ang pagsuporta ng paaralan sa mga repormang pang-edukasyon ng bansa at ang malasakit nito sa kapakanan ng mga guro sa pamamagitan ng tamang pagpapatupad ng mga patakaran.

#FGD

#DO2and5

#uNORTHodox

Loading