Agosto 6, 2025

Upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng paaralan, nagsagawa ang LYFJNNHS ng pagtanggal at maayos na pagtatapon ng mga sirang at nabasang aklat na matagal nang nakaimbak sa kampus.

Pinangunahan ang inisyatibo ng dating School Parents-Teachers Association (SPTA) President na si G. Bobot Ortega, katuwang ang mga opisyal ng Barangay Pasong Camachile II sa pangunguna ni KonsiKap Jowie S. Carampot. Gamit ang barangay patrol, inilipat at itinapon ang mga aklat upang maiwasan ang posibleng pagdami ng mga peste gaya ng anay na maaaring makapinsala pa sa iba pang gamit sa paaralan.

Taos-pusong nagpapasalamat ang pamunuan, mga guro, at mag-aaral ng LYFJNNHS sa mabilis at maayos na pagtugon ng barangay at SPTA. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapanatili ng ligtas at malinis na kapaligiran para sa pagkatuto ng mga kabataan.

#LigtasAtMalinisNaPaaralan

#NorthHigh

Loading