Sa kabila ng mga naantalang klase, hindi nagpahuli ang mga guro ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon. Gumamit sila ng maliwanag na paraan ng pagtuturo upang masiguro na bawat kaalaman at kasanayan ay natututunan ng mga mag-aaral, lalo na’t papalapit na ang unang markahang pagsusulit.
Upang hindi maantala ang pagkatuto, siniguro rin na walang pag-antala sa klase sa pamamagitan ng Time-on-Task (TOT) alinsunod sa itinatakda ng DepEd Order No. 9 s. 2025, kaya’t walang estudyanteng maiiwan sa aralin.
Bukod dito, nagpakita ng malaking suporta ang tatlong Master Teachers ng paaralan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng walkthroughs at pag-obserba sa mga klase ng kanilang kapwa guro. Layunin nito na mabigyan ng gabay at suporta ang lahat ng kaguruan upang makamit ang inaasahang antas ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at dedikasyon, nananatiling matatag ang North High sa pagbibigay ng pinakamahusay na edukasyon para sa bawat mag-aaral.

