TINGNAN:
Sa ilalim ng programang Youth Empowerment Fostering Growth and Student Leadership o Project YES, isinagawa ang ‘Ugnayang Kapit-Bisig’ na nagtipon sa lahat ng pangunahing opisyal ng iba’t ibang club sa North High ngayong taong panuruan 2025-2026. Dumalo sa pulong ang mga Presidente, Bise-Presidente, Kalihim, at kanilang mga adviser upang talakayin ang State of the Learner Government’s Address (SOLGA) at iba pang mahahalagang usapin kaugnay ng pamamahala ng kani-kanilang samahan.
Layunin ng pagtitipon na linawin ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat opisyal, maiwasan ang dobleng trabaho, at masigurong maayos at episyente ang daloy ng gawain sa bawat club. Sa pamamagitan ng malinaw na koordinasyon at matibay na ugnayan, napapalakas ang kakayahan ng bawat lider na magsilbi nang may kalidad at dedikasyon.
Bitbit ang mantra na “Stronger Together 2025”, muling pinagtibay ng mga kalahok na bagama’t magkakaiba ang kanilang grupo, iisa ang kanilang layunin—ang magsulong ng mas aktibong, organisado, at progresibong pamunuan para sa kapakanan ng buong komunidad ng North High.

