Agosto 8, 2025

Tumanggap ng tulong ang pamayanan ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School mula kay Mayor Jonjon Ferrer sa pamamagitan nina Punong Barangay Jowie S. Carampot, ang grupong Kababaihan ni KonsiKap, at SGC President Gng. Mildred S. Carampot.

Umabot sa 100 benepisyaryo, kabilang ang mga mag-aaral sa Special Needs Education (SNED) program, mga pamilya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at iba pang indigent learners, ang nakatanggap ng relief goods.

Lubos ang pasasalamat ng paaralan, sa pangunguna ng ating punongguro Dr. Naneth P. Salvador, sa ipinakitang malasakit at suporta ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na organisasyon upang matulungan ang mga mag-aaral at pamilyang nangangailangan sa komunidad ng North High.

#TulongParaSaMagaaral

#NorthHigh

Loading