Sa ikatlong taon ay ipinagpapatuloy ang SBM Banner Program na ๐๐๐๐๐ (๐๐ฎ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐๐ฉ๐ญ๐ข๐ฆ๐ข๐ณ๐, ๐๐๐๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ญ๐, ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐๐จ๐ซ๐ฆ, ๐๐๐๐ซ๐ญ๐๐ง) bilang pangunahing hakbang ng ating paaralan upang isulong ang episyente at makabagong pamamahala. Bilang tugon sa ๐-๐๐จ๐ข๐ง๐ญ ๐๐๐๐จ๐ซ๐ฆ ๐๐ ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง sa pamumuno ni Secretary Juan Edgardo โSonnyโ Angara at kaakibat ng ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ, higit pang pinaigting ng North High ang implementasyon ng ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ at opisyal na inilunsad ang ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
Sa ilalim ng NURTURE component ng NORTH, inilunsad ang ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐๐ na nakatuon sa pangangalaga ng pisikal, mental at emosyonal na kalusugan ng mga guro at mag-aaral. Mayroong ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐จ๐จ๐ค at ๐๐ซ๐๐ฒ๐๐ซ ๐๐จ๐จ๐ฆ para sa mga estudyante. Mayroon ding ๐๐๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐จ๐ฆ at ๐ ๐ข๐ญ๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐จ๐ฆ para sa mga guro at kawani ng paaralan.
Samantala, sa ilalim naman ng TRANSFORM component ng NORTH, pinaigting ang ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ na naglalayong i-digitize at i-automate ang lahat ng serbisyong pampaaralan upang matiyak ang maayos na operasyon, mabawasan ang pagkakamali, at higit pang mapabuti ang pagpapabilis at pagpapadali ng mga proseso. Nakahanay din ito sa polisiya na One DepEd, One QMS.
Sa aspeto ng digital tools, ginagamit na ng paaralan ang ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐ฌ sa pamamagitan ng Google Forms. Sa katunayan, noong unang markahang pagsusulit, online na isinagawa ang pagsusulit ng mga mag-aaral mula sa Special Program in Science, Technology, and Engineering (STE). Bukod dito, ginagamit din ๐๐จ๐จ๐ ๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐ซ๐จ๐จ๐ฆ, ๐๐๐ฉ-๐ข๐ง/๐๐๐ฉ-๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐ system para sa mga mag-aaral at guro na pumapaliy sa dating manual log book at biometrics, ๐๐ข๐๐ซ๐จ๐ฌ๐จ๐๐ญ ๐๐๐๐ฆ๐ฌ para sa meetings at communications, online submissions, appointments, requests, at document tracking. Kasama rin dito ang ๐-๐๐๐๐๐๐, isang mekanismo para sa mabilis na pagtugon sa mga obserbasyon, suhestiyon, reklamo, puna, o komentaryo mula sa stakeholders.
Sa facilities at systems, tampok ang ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐ฅ๐-๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ ๐๐ข๐จ๐ฌ๐ค na nagbibigay ng access sa issuances, resources, directory, feedback forms, at online appointments; ang opisyal na ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ญ๐; ang opisyal na ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง na maaaring ma-install sa cellphone; ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐๐ซ๐๐ซ๐ฒ mula sa DOST; ๐๐๐๐๐ (System for Parents, Learners, and Teachers); at ๐๐ซ๐จ๐๐๐ฌ๐ฌ ๐ ๐ฅ๐จ๐ฐ๐ฌ para sa canteen, clinic, guidance at ibaโt ibang departamento. Bahagi rin nito ang pagsunod sa Citizensโ Charter compliance at digital record-keeping. Gumagamit din ang paaralan ng e-learning platforms gaya ng Khan Academy.
Ang lahat ng ito ay nagbunga ng malinaw na impact: mas episyenteng operasyon, mas mataas na learner engagement, mas mababang paggamit ng papel bilang suporta sa sustainability, mas mabilis na pagtugon sa concerns, mas transparent na proseso, at mas matibay na ugnayan ng mga magulang, guro, at mag-aaral.
Ibinahagi ng ilang guro at magulang ang kanilang positibong pananaw tungkol sa mga programang ito. Ayon sa kanila, โNapapanahon at kapaki-pakinabang ang mga inisyatiba sapagkat pinagaan nito ang trabaho ng mga guro at pinalawak ang access ng mga mag-aaral sa mga makabagong kagamitan sa pagkatuto.โ May ilan ding nagsabi na, โMalaking tulong ang RECHARGE sapagkat ipinapaalala nitong dapat unahin din ng mga guro ang kanilang sarili upang maging mas epektibo sa pagtuturo.โ
Ang pagpapaigting ng Project STREAMLINE at paglulunsad ng Project RECHARGE ay hindi lamang patunay ng pagsusumikap ng North High na maging episyente at makatao, kundi malinaw ring pagpapakita ng pagsuporta sa adyenda ng DepEd at ng Schools Division of General Trias City. Sa pamamagitan ng NORTH Banner Program, patuloy na isinusulong ng paaralan ang makabagong pamamahala, makabuluhang pagbabago, at inklusibong pag-unlad tungo sa mas mataas na kalidad ng edukasyon.
Higit pa rito, patuloy na magsisilbing bukas ang North High sa pagpapakilala ng iba pang mga makabagong proyekto at inisyatiba na tiyak na mag-aangat pa sa kalidad ng serbisyong pang-edukasyon para sa buong komunidad.
