๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
State of the School Address (SOSA) para sa Unang Markahan (Batch 2) sa Luis Y. Ferrer Jr. North National High School Covered Court ay kasalukuyang ginaganap. Dinadaluhan ito ng mga magulang ng mga estudyanteng nasa seksyong nagsisimula sa letrang A hanggang D mula sa Building 3.
Kaninang umaga ay matagumpay na naisagawa ang Batch 1 para sa mga magulang ng mga estudyanteng nasa seksyong nagsisimula sa letrang E hanggang J mula sa Building 1 & 2.
Ang SOSA para sa Unang Markahan ay ginaganap sa pamamagitan ng isang makabuluhan at masayang talk show format na tinawag na โ๐ต๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐ ๐ณ๐๐๐โ kung saan tinalakay ng Principal na si Dr. Naneth P. Salvador, mga dalubguro, at mga guro ang mga mahahalagang usapin tungkol sa paaralan sa paraang mas bukas at kaaya-aya para sa lahat ng dumalo.
Tinalakay sa SOSA at pagpupulong ang mga sumusunod:
North High Dashboard
SBM Banner Program NORTH
Kaganapan ng paaralan sa unang markahan
Mga tagumpay at hamon ng nagdaang markahan
Mga gagawing plano para sa hinaharap
Pag-uulat ng pananalapi
Open Forum para sa mga tanong at suhestiyon
Pagkatapos ng SOSA, agad na isasagawa ang Parent-Teacher Conference (PTC) kung saan ipapakita at ipaliliwanag sa mga magulang ang marka ng kanilang mga anak.
Sa makabuluhang pagtitipon na ito, muling ipinamamalas ang diwa ng pagkakaisa ng paaralan at mga magulang. Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at tapat na pagbabahagi, mas higit pang pinatatatag ang ugnayan ng pamunuan, mga guro, at magulang para sa iisang layuninโang paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa Batang Norte.
