GENERAL TRIAS, Cavite – Napuno ng sigla ang covered court ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School sa idinaos na Stakeholders’ Summit 2025, kahapon, Disyembre 11, na may temang “Project KAISA: Partners in Purpose, Champions for Progress Through Collaboration in Action,” na dinaluhan naman ng mga guro, magulang, kawani at stakeholders ng paaralan.

Sa pagsisimula pa lamang, isang masiglang pambungad na ang itinampok ng mga talentadong SPA Dancers at Coro ng paaralan. Maging ang mga guro na nagsilbing tagapagdaloy ng programa, ay nagbigay buhay din sa gabi ng parangal, tulad nina G. Romeo J. Dolor Jr., Gng. Lea Dasas, Bb. Margie Rodriguez at Gng. Nancy Reyes.

Nagbigay naman ng mainit na pagtanggap sa lahat ng mga dumalo si Dr. Naneth P. Salvador, punongguro ng paaralan, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan upang makamit ang mga layunin ng paaralan.

Pinangunahan rin niya ang pagbibigay ng mga parangal sa mga stakeholder at partner ng paaralan, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang suporta at dedikasyon, na siya namang layon ng nasabing pagtitipon.

Matapos nito, isang mensahe ng pasasalamat ang inialay ni Gng. Gigi Lyn V. Aticaldo, Dalubguro I sa kanyang pangwakas na pananalita.

Bago matapos ang programa isang ceremonial toast ang isinagawa bilang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa adhikain ng paaralan.

Isinulat ni: Sabina Marie Bendicio

Kuhang larawan ni: Lukas Mateo Aviles, Eunica Jade Solo

Disenyo ni: Famille Zandrel Agustin

#TanglawHilaga

Loading